Saturday, February 5, 2011

Love, Camera, Action! 1


"YOU look weird when you're sleeping," nakangisi nitong biro nang imulat na niya ang kanyang mga mata.

"Eh di wag mo akong tingnan." tataasan sana niya ito ng kilay pero natigilan siya nang tumawa ng bahagya ang lalaki. "Anong nakakatawa, aber?" angil niya dito.

"How do you expect me to not watch you sleep when I can't sleep thinking about you?" Pano bang nangyaring ang lalaking ito ay nasa tabi niya? Na'san na ba ang iba?


Nahalata ata nitong naglilikot ang kanyang mga mata kaya ito na ang sumagot sa kanyang tanong. "Nag-iinuman pa sila sa loob ng kwarto. Hindi ata titigil ang mga iyon hangga't me alak pa. Kumusta na lang sila bukas." nakangisi pa rin ito.

Nagtataka siya kung bakit tila magaan na ang loob ng lalaki sa mga kasamahan niya sa trabaho. Sabihin nang isinama ito sa grupo nila para matutong makisama sa iba't-ibang klase ng tao, pero bakit naman kailangang isama ang isang lampa sa isang grupo ng mga taong pagiging coordinated ang pinagkakakitaan?

"Bakit nakasimangot ka pag natutulog?" pukaw nito sa kanyang pagmumuni-muni.

"Dahil nandun ka." sa inis ay hindi na siya nakapagsinungaling. Lalong natuwa ang walanghiya.

"Di ba dapat nakangiti ka pa nga?" may himig ng tampo ang tanong nito. Kuu, kung hindi lang may-ari ng network ang lolo mo, nungkang maging parte ka ng team na ito. Pasalamat ka at pinagbawalan ako ni Bossing na paduguin ang nguso mo. Kalma lang. 


Nginitian na lang niya ito para matigil na ang usapan pero hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakatitig nito sa kanya kaya nagsalita na siyang muli. "Me mali ba sa mukha ko at lagi mo na lang akong tinititigan na para bang me hinahanap ka sa mukha ko. Alam ko hindi ako kagandahan pero, pwede ba nakaka-conscious ka na eh."

"Me hinahanap talaga ako."

"At ano naman un?"

"Yung ngiting para lang sa akin."

"Ha, ano ka, bale?" Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?


"Meron kang limang klase ng ngiti. Una, ung ngiti mong nagpipigil ng inis." tinuro nito ang bibig nya, "Katulad ng nasa mukha mo ngayon."

Napalis ang ngiti niya nang magpatuloy ito. "Pangalawa, ang ngiti mong nagtatago ng pagod o paghihirap ng loob mo. Madalas ko iyong makita kaya kita laging kinukulit para magalit ka na lang imbes na ngumiti ka ng ganun."

"Pangatlo, ang ngiti mo kapag natutuwa ka sa pinag-uusapan o may maganda kang balita para sa ibang tao." Inipit nito ang nahulog niyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"Pang-apat, ang ngiti mo kapag akala mo ay walang nakatingin sa iyo at may iniisip kang nagpapasaya sa iyo." Pinindot nito ang pisngi niya. "Lumalabas ang biloy mo kapag ngumingiti ka ng ganun. It's the prettiest one so far."

"At ang panghuli, ang ngiti mo kapag kausap mo, katabi or tinitingnan ang taong mahal mo. I haven't seen you smile like that yet. And I hope that smile would belong to me."

Nahulog yata hindi lang ang panga niya kundi pati na rin ang puso niya.

Itutuloy...

1 comment:

  1. What is kinikilig. Haha!
    Meron na po bang kasunod 'to? :D

    ReplyDelete

Share your thoughts with me